Now Staging · October 2026

Anino ng Suob

Dates
Oct 16–18 · 22–25
Venue
Pacific Mall Event Theatre, Lucena City
Join the Waitlist About Dulayan You’ll be the first to know when tickets open.
Poster ng Anino ng Suob: isang pigurang may hawak na umuusok na insensaryo sa harap ng lumang bintana.
Sa direksyon nina Rodas at Casiño
Pangunahing sining ng Anino ng Suob: umuusok na insensaryo sa gitna ng dilim.

The Story

Hindi lahat ng usok ay naglalaho

Sa gitna ng isang angkang binabalot ng mga lihim, muling magtatagpo sina Tomas at Rene—dalawang dugong pinag-ugnay ng nakaraan ngunit pinaglayo ng pananahimik. Habang unti-unting nabubunyag ang mga sugat ng pamilya, kasabay ding lumilitaw ang mga aninong matagal nang naghihintay na mapansin.

Sa Anino ng Suob, nagiging higit pa sa ritwal ang suob. Isa itong makapangyarihang simbolo ng alaala, pananampalataya, at mga lihim na hindi kailanman tuluyang naglalaho. Isang kuwentong nakaugat sa kultura at paniniwala ng Quezon na humahamon sa hangganan ng pag-ibig, dugo, at gunita.

Matagal na silang hinihintay ng mga anino.

Who We Are

Ang Dulayan ay isang Quezon-based community theater organization na nakatuon sa paglinang ng sining ng pagtatanghal at pagpapayabong ng kultura ng Lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng makabuluhan at mapanghamong teatro. Naniniwala kami na ang entablado ay hindi lamang isang espasyo para sa pagtatanghal, kundi isang daluyan ng mga kuwento, kultura, pagninilay, at pagbabagong panlipunan.

Nagsimula ang aming paglalakbay noong 2013 bilang KATAGA–Lucena (Tanghal), ang kauna-unahang sangay ng KATAGA (Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas) na nakatuon sa sining ng pagtatanghal. Mula noon, nagsilbi kaming tahanan ng mga artistang naglalayong gamitin ang teatro bilang makapangyarihang midyum ng malikhaing pagpapahayag, edukasyon, at pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Ngayon, bilang Dulayan, patuloy naming isinasabuhay ang parehong adhikain—lumilikha ng mga pagtatanghal na may puso, may saysay, at may malasakit sa komunidad. Higit pa sa isang teatro, kami ay isang tahanan ng mga artistang patuloy na nangangarap, natututo, at sama-samang lumilikha ng mga kuwentong nararapat marinig, alalahanin, at maipamana sa susunod na henerasyon.

Sagisag ng Dulayan: pigurang may bitbit na parol na tumatawid sa tulay.
Founded
2013As KATAGA–Lucena (Tanghal)
Productions
11Original plays and alternative musicals
Based in
Lucena CityQuezon, Philippines
Accredited by
SEC & NYCSecurities and Exchange Commission · National Youth Commission

Past Productions

Mahigit isang dekada sa entablado

Mula sa mga orihinal na dula hanggang sa mga alternatibong myusikal, bawat pagtatanghal ay bunga ng masusing pananaliksik, malikhaing kolaborasyon, at paniniwalang ang teatro ay may kakayahang magbigay-boses, magmulat, at magbuklod ng komunidad.

2013 · 2017 · 2018

Dolores

Orihinal na dula ni Marco Antonio Rodas na hinango sa tunay na pangyayari at nabigyan ng grant ng National Commission for Culture and the Arts. Tinutuklas nito ang misteryo, pananampalataya, at kasaysayan ng bayan ng Dolores sa Quezon.

2013 · 2015

Pekpek Jam / Usapang Babai

Mga monologo ng mga nagbibigay-tinig sa iba’t ibang karanasan ng kababaihan. Ang inspirasyon ay nagmula sa feminist stance ni Eve Ensler, isang matapang na paglalahad ng mga kuwento, karanasan, at pakikibaka ng kababaihan. Naglatag ang palabas na ito ng sariling mga salaysay na nakaugat sa konteksto, kultura, at realidad ng mga kababaihan sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng teatro, naging mahalagang daluyan ang mga pagtatanghal na ito sa pagsusulong ng kamalayan sa kasarian, dignidad, at karapatang pantao.

2014 · 2016 · 2018

Igba

Dulang nakaugat sa kasaysayan at kultura ng Quezon na umiikot sa ritwal ng pag-iigba at sa epekto ng kolonyalismo. Itinampok ito sa mga aklat para sa Senior High School sa Quezon.

2014

Isa Pang Soap Opera

Satirikong dula ni Reuel Molina Aguila na gumagamit ng katatawanan upang talakayin ang kasaysayan, alaala, at katotohanan ng isang pamilya.

2015 · 2019

Ang Saya-Saya

Matalas na satira sa kulturang popular at industriya ng entertainment. Sa pamamagitan ng burlesque at katatawanan, sinusuri nito ang impluwensiya ng mass media sa kamalayan ng lipunan.

2016

Klik

Alternatibong myusikal ni Reuel Molina Aguila tungkol sa pag-ibig, paninindigan, at pakikibaka sa gitna ng magulong kalagayang panlipunan sa unang bahagi ng ika-21 siglo.

2016

Yaon: Trilohiya ng mga Dulang KATAGA

Trilohiyang binubuo ng Igba ni Marco Antonio Rodas, Ang Mga Bisita ni Jean ni Ma. Cecilia dela Rosa, at Ang Mga Bata! Ang Mga Bata! ni Erick Dasig Aguilar—tatlong akdang kinilala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.

2022

Mga Hilahil ng Diwa

Itinanghal noong Agosto 27–28, 2022 sa Terpsichorean Performing Arts Academy Inc., Lucena City. Binubuo ng Guni-Gunita ni Rodas at ang muling pagtatanghal ng Isa Pang Soap Opera ni Aguila.

2023

Ang Paglilitis ni Mang Serapio: Isang Alternatibong Myusikal

Malikhaing adaptasyon ng klasikong akda sa anyong alternatibong myusikal. Tinutuklas nito ang mga usapin ng kahirapan, dignidad, at katarungan sa kontemporaryong lipunan.

2024

Na’ay Po, Lambanog

Pagpupugay sa kultura ng Lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng tradisyon ng tagayan. Ginamit ang lambanog bilang simbolo ng samahan, pagdiriwang, at pagkakabuklod ng komunidad.

2025

Kunswelo: Myusikal na Adaptasyon ng dulang Ang Paglilitis ni Mang Serapio

Orihinal na adaptasyong musikal hango sa Ang Paglilitis ni Mang Serapio ni Paul Dumol—muling binibigyang-buhay ang mga usapin ng kahirapan, dignidad, katarungang panlipunan, at pag-asa.

From the Stage

Mga Litrato

Eksena mula sa Kunswelo: babaeng nakaputi sa gitna ng mga sinag ng ilaw.
Kunswelo 2025
Eksena mula sa Na'ay Po, Lambanog: matandang babaeng nagtataas ng bote sa gitna ng pagdiriwang.
Na’ay Po, Lambanog 2024
Eksena mula sa Kunswelo: aktor na nakataas ang kamao sa luntiang usok.
Kunswelo 2025
Eksena mula sa Ang Paglilitis ni Mang Serapio: dalawang tauhang elegante ang kasuotan.
Ang Paglilitis ni Mang Serapio 2023
Eksena mula sa Kunswelo: aktor na nakadapa at umaabot sa gitna ng lilang ilaw.
Kunswelo 2025
Eksena mula sa Na'ay Po, Lambanog: dalawang tauhang nagtatawanan sa entablado.
Na’ay Po, Lambanog 2024
Eksena mula sa Ang Paglilitis ni Mang Serapio: mga tauhang sabay-sabay na nakaturo.
Ang Paglilitis ni Mang Serapio 2023
Eksena mula sa Kunswelo: babaeng nakaputi na hinahawakan ng maraming kamay.
Kunswelo 2025
Eksena mula sa Ang Paglilitis ni Mang Serapio: tauhang yakap ang sarili sa dilim.
Ang Paglilitis ni Mang Serapio 2023
Eksena mula sa Kunswelo: buong cast na sumasayaw sa rosas na ilaw.
Kunswelo 2025

Our Leaders

Mga Tagapagtatag; Isang Dekadang Bokasyon

Magkatuwang na pinangunahan nina Dr. Rodas at Binibining Cuarez ang Dulayan mula sa mga unang taon nito bilang KATAGA–Lucena hanggang sa pagkakatatag ng Dulayan Theater Organization, Inc.

Guhit na larawan ni Dr. Marco Antonio Rodas.

Artistic Director

Dr. Marco Antonio Rodas

Co-Founder · Playwright, composer, and professor

Mula pa noong 2013, pinamunuan ni Dr. Rodas ang organisasyon sa paglikha ng mga dulang nagtatampok sa kasaysayan, kultura, at identidad ng Lalawigan ng Quezon, habang ginagamit ang teatro bilang kasangkapan sa malikhaing pagpapahayag, edukasyon, at kamalayang panlipunan.

Bilang isang Carlos Palanca Memorial Awards awardee sa panitikan, kinikilala siya sa kanyang ambag sa sining at kulturang Pilipino. Ang kanyang dulang Igba ay itinampok sa mga aklat para sa Senior High School sa Quezon, habang ang kanyang mga akda at publikasyon ay patuloy na nagsisilbing sanggunian sa panitikan, kultura, at lipunan.

Kabilang sa kanyang mga obra ang Dolores, Igba, Pekpek Jam, Usapang Babai, Na’ay Po, Lambanog, Ang Paglilitis ni Mang Serapio, at Kunswelo. Nananatiling layunin niya ang paglinang ng mga bagong manggagawang pangkultura at ang pagpapatibay sa teatro bilang isang buhay na sining.

Guhit na larawan ni Evalyn Cuarez.

Managing Director

Evalyn Cuarez, MBA

Co-Founder · Actor and administrator

Isang Master in Business Administration graduate mula sa Southern Luzon State University–Lucban Campus, pinagsasama ni Binibining Cuarez ang kahusayan sa pamamahala at ang kanyang malawak na karanasan sa teatro upang pangunahan ang administratibo at operasyonal na aspeto ng organisasyon.

Aktibo siya sa teatro mula pa noong 2005 bilang kasapi ng Ang Sining Pleyhaws at Kuta ng Sining. Naging bahagi siya ng iba’t ibang produksiyon bilang aktor—Juan Tamban, Emmanuel Resureccion, Lambanog, Dolores, Ang Paglilitis ni Mang Serapio, Sumasampalataya Ako, Klik, Salamin, Pekpek Jam, Usapang Babai, at Isa Pang Soap Opera.

Sa kanyang pamumuno bilang Managing Director, pinangangasiwaan niya ang operasyon ng organisasyon at sinusuportahan ang mga programang nagtataguyod ng teatro bilang daluyan ng sining, edukasyon, at pagpapayabong ng kultura ng Lalawigan ng Quezon.

Waitlist · Anino ng Suob

Be first in line

Seating is limited for every performance night. Leave your details and you’ll be the first to hear when tickets go on sale for October 2026.

  • Your details are used only for ticket alerts and production news.
  • We never sell or share your information with anyone else.
  • You can unsubscribe at any time from any email we send.

Enter your full name.

Enter a valid email address, e.g. juana@example.com.

For reminders as the performance date draws near.

Enter a valid contact number, at least 7 digits.

By submitting, you confirm you have read our privacy notice. You may withdraw your consent at any time by emailing dulaangkalilayaninc@gmail.com.

You’re on the list

Thank you. You’ll be among the first we notify when tickets for Anino ng Suob go on sale. Watch for our email.